Buhay ni Isko at Iska

Ito ay isang istorya ng isang tao, alangang hayop? na nagmamasid masid sa kaniyang paligid. Di ito formal novel, kwentong katuwaan lang. haha!


Chapter 1-  Maygas! late na me!

 Inaayos ni Bechay ang kaniyang mga gamit dahil may exam siyang pupuntahan. 

"Punyeta ka Bechay mahuhuli ka na!!!! nag review ka ba?? baka walang laman yang utak mo!" 
Bulyaw ng kaniyang ina habang nagluluto ng nilupak na binibenta nito sa PNR. Yan si Aling Helen. Mabait yan! Promise! kaso pag naispirituhan na ng alak, Lam na! Naging ganyan lang naman sya nung yung asawa niyang si Mang Petong ay pumayapa na. Problemado kaya siya ganyan. yung ate kasi ni Bechay, ayun nagpakagaga sa isang lalake at nagpakamatay. Yun sana ang magtataguyod sa kanila. Bread winner kung baga. Malungkot ang buhay ni Aling Helen, kaya si Becahy ang napagdidiskitahan niya. 

"Ano ka ba naman 'Nay! nagreview ho ako noh! atsaka malalaman ng buong bayan na mageexam ako!" Sagot ni Bechay.

"Aba, e dapat lang! alam mo namang wala akong pantustos sa iyo! Mahirap lang tayo Bechay. Kung puro facebook lang ang inaatupag mo, e walang mangyayari sa'yo!" Bulyaw ni Aling Helen sabay lagok sa bote ng Gin na malapit ng maubos. Kiniss ni Bechay si Aling Helen at umalis na siya. Konting lakad lang naman papuntang school na gusto niyang pasukan.

(to be continued!)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento